Tatlong kaso ng impeachment laban kay PNoy idineklarang sufficient in form sa Kamara

PNoy

President Benigno Aquino III Image from: PNoy Facebook

Idineklarang sufficient in form ng House Committee on Justice ang tatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Dinaluhan ng mga miyembro ng minorya at mga kakamping mambabatas ni PNoy sa Kamara ang unang pagdinig ng komite ngayong araw para talakayin ang mga kasong isinampa laban sa Pangulo.

Sa botong 53-1 kasama ang isang abstention ay lumusot ang unang impeachment complaint at idineklarang sufficient in form.

Ito ay inendorso nina Bayan Muna Rep.  Neri Colmenares at Carlos Zarate,  at Anakpawis  Rep. Fernando  Hicap.

Ang ikalawang impeachment complaint naman na inendorso ni Kabataan Rep. Terry Ridon ay nakakuha ng 42-7 na boto at apat na abstention.

Ang ikatlong reklamo naman ng impeachment na inendorso ni Gabriela Rep. Emmi  De Jesus ay agad ng nakalusot at idineklara ring sufficient in form.

Kabilang sa mga dahilan kung bakit nais ma-impeach ang Pangulo ay ang betrayal of public trust at graft and corruption dahil sa pagpapatupad nito ng Disbursement Acceleration Program at culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust dahil sa pagpasok nito sa kasunduan sa Estados Unidos para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Itinakda naman ni committee chairman Neil Tupas ang susunod na pagdinig sa September 2 para madetermina kung sufficient in substance ba ang tatlong inihaing impeachment laban sa Pangulo.-DCR

Advertisements