MERS-CoV Advisory: PH Embassy sa Riyadh nanawagan sa mga OFW na magpasuri bago umuwi ng Pilipinas

PH Embassy Riyadh

 

Nanawagan ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia sa mga Oveseas Filipino Workers (OFW) na nakatakdang bumalik dito sa bansa na magpasuri muna kung sila ay negatibo sa Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV).

“Filipino workers in the healthcare sector should strictly follow infection control protocols in their workplaces. They are also strongly encouraged to take advantage of voluntary MERS-CoV screening tests available through their employers, especially if they intend to travel back to the Philippines. Filipinos who take the screening tests are advised to wait for their results before traveling and to bring a copy of their test results for the perusal of Philippine health authorities upon arrival,”  pahayag ng embahada.

Ginawa ng embahada ang panawagan matapos makalusot papasok sa bansa ang isang Filipina nurse na nagpositibo sa MERS-CoV.

Ang naturang Pinay nurse ay nagmula sa Dammam at nakabalik sa bansa nito lamang Agosot 29.

Sa press conference kahapon ay sinabi ni Department of Health Sec. Enrique Ona na nagpositibo sa naturang sakit ang biktima sa Dammam. Nagpasuri umano ito doon noong Agosto 25 subalit bumalik na ito sa bansa ng hindi pa nalalaman kung anong resulta ng pagsusuri rito.[pia-dr]

Napag-alaman din na dumating sa bansa sakay ng Saudi Airlines Flight SV870 ang biktima at lumipad din agad patungong General Santos City sakay ng Cebu Pacific flight SJ997.

Sa ngayon ayon kay Ona ay naka-quarantine na ang biktima sa Southern Philippines Medical Center. Tinututukan na rin ng DOH kung magpapakita ba ng sintomas ng MERS-CoV ang mga pasaherong nakasama ng Pinay nurse sa Saudi Airlines at sa Cebu Pacific.

Kasabay nito, hinikayat rin ng embahada ng bansa sa Riyadh ang mga Pinoy na magpopositibo sa MERS-CoV na iulat ang kalagayan ng mga ito sa kanila.

“Filipinos who may have been tested or infected with the virus are strongly encouraged to report their conditions to the Embassy as soon as possible.  Information received by the Embassy with regard to MERS-CoV virus cases (or any other infectious diseases like Ebola) among Filipinos will remain confidential. To make a report or to obtain more information, please call the Embassy Hotline at 051 504 6362,”  pahayag pa ng embahada.

Muli rin ring ipinaalala ng embahada sa mga OFW doon na sundin ang mga paalalang inilatag ng Saudi Ministry of Health at ng Kagawaran ng Kalusugan dito sa bansa para makaiwas sa sakit. -DCR

Advertisements