Sec. Abad kinuyog sa UP

DBM Sec. Abad

DBM Sec. Florencio “Butch” Abad Image from: Butch Abad Facebook

Kinuyog ng mga galit na estudyante ng University of the Philippines Diliman si Department of Budget and Management Sec. Butch Abad kagabi.

Nagmamadaling umalis ng UP Diliman si Abad matapos matikman ang galit ng mga iskolar ng bayan ng salubungin siya ng mga ito sa kanyang paglabas sa College of Economics kagabi.

Nasa UP Diliman ang kalihim kahapon para dumalo sa isang forum.

Sa paglabas nito matapos ang pagsasalita sa programa ay sinalubong ito ng mga galit na estudyante dahil sa pagpapatupad nito ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Harapang tinawag na magnanakaw ng mga galit na raliyista si Abad habang papalabas ito ng gusali at patungo sa kanyang sasakyan.

Nagawa naman ng iba pang galit na aktibista na batuhin ng barya at mahagip ang kwelyo ng damit ng kalihim bago ito tuluyang nakasakay ng kotse at mabilis na nakaalis.

“The DAP bagman walked hurriedly and mobilized security personnel but could not avoid the anger of the Iskolars ng Bayan. Some who were able to get close hurled paper at his face and said “ito para sa mga ninakawan niyo!” Kinuyog siya, he could not easily enter his car and his vehicle was blocked. As he boarded his vehicle, a student got close and grabbed him from the back by his collar,” salaysay pa ni Anakbayan chairperson Vencer Crisostomo sa kanyang Facebook account.

Sa kanyang bersyon naman, sinabi ni Abad na nakahanda sana siya kagabi na kausapin ang mga nagpoprotestang estudyante.

Aniya, nang lalapitan na niya ang mga raliyista para makipag-usap ay naging marahas na ang mga ito.

“Once I began approaching the STAND UP (Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP) group, however, the protesters – who were around 50 to 60 strong – did not engage me in dialogue. Instead, they surrounded me aggressively as I made my way towards the vehicle. I had objects thrown at me, and one student even attempted to grab me by the collar,” pahayag pa ni Abad.

Dismayado ang kalihim sa naganap na komprontasyon. Aniya, walang lugar ang karahasan sa isang institusyon na tulad ng UP. “Ideally, we should be able to engage each other in frank, sober discourse. I wholly understand that fighting for the welfare of our country is often an emotional and passionate pursuit. But there is no place here for violence and aggression, and especially not in an academic environment. All that a mob wants is to harm its target, never mind truth or propriety; beyond that, it stands for nothing else,” pahayag pa ni Abad.

Maging ang Malacañang ay nagpahayag ng pagkadismaya sa naganap na komprontasyon sa pagitan ni Abad at ng mga militanteng estudyante kagabi sa UP.

Sa pahayag na ipinarating ng Pangulo kay PCOO Sec. Sonny Coloma, sinabi nito na bilang premier state university ng bansa, inaasahan sa mga mag-aaral ng UP ang pagiging responsable lalo na sa malayang pagpapahayag ng kanilang saloobin.

“He (PNoy) believes that as the premier university, the UP is expected to promote responsibility in the exercise of the freedom of expression and civility while engaging in political discourse. This may be an opportune time to reassess the implications to an institution of higher learning when a political forum degenerates into mob rule,” pahayag pa ng kalihim.-DCR

 

 

 

 

Advertisements