Incheon Asian Games nagsimula na

PH team Incheon Asian Games

The Philippine delegation during the opening of 17th Asian Games in Incheon, South Korea Image from: gmanews.com

Umarangkada na ang 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Ngayong gabi ay nagsimula ang opening ceremony ng nasabing quadrennial sports event sa bagong gawang Main Stadium sa Incheon.

Pinangunahan ng K-Pop singer na si Psy ang pagtatanghal sa seremonya na dinaluhan rin ni South Korean President Park Geun-hye.

Pinamunuan naman ni windsurfing champion Gaylord Coveta ang delegasyon ng Pilipinas sa seremonya ng dalhin nito ang watawat ng bansa at pumarada sa stadium kasama ang mga kapwa Pinoy na atleta at mga sports official.

Aabot sa 150 atleta at 55 mga coach ang ipinadala ng bansa para sa naturang kompetisyon.

Incheon Games logo

Official emblem of 2014 Incheon Asian Games

Isa sa mga inaasahan na magdadala ng karangalan sa bansa ay ang Gilas Pilipinas na katatapos lamang lumaban sa FIBA World Basketball Championship sa Espanya.

Nakatakdang dumating sa Incheon ang Gilas Team sa September 20 at sasabak sa unang laban nila sa September 23.

Bukod sa basketball ay optimistiko naman si Chief of Mission at Philippine Sports Commission chair Richie Garcia na makakasungkit ng medalya ang bansa larangan ng boksing, wushu, taekwondo, bowling, judo, golf, karatedo, weightlifting at rugby.

Tatagal ang Incheon Games mula September 19 hanggang October 4.

Simula ng sumali ang bansa sa naturang sports event noong 1951 ay nakakuha na ito ng 364 medalya kung saan 61 dito ay ginto.-DCR

 

 

 

 

Advertisements