Red rainfall alert itinaas sa Metro Manila at mga karatig lalawigan

Updated as of 3:05 PM

Mario

Image source: PAGASA

Muling itinaas ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang  Red Rainfall Alert sa buong Metro Manila simula ngayong 3:00 ng hapon dahil sa Habagat na pinag-ibayo pa ng pananalasa ng bagyong Mario.

Tatagal ang abisong ito sa loob ng tatlong oras.

Kasama sa mga lugar na nasa ilalim ng Red Rainfall Alert ng PAGASA ang mga lalawigan ng Zambales, Bulacan, Laguna, Rizal, Cavite at Batangas.

Makakaras ng matinding pagbaha ang mga lugar na nasa ilalim ng Red Rainfall Alert.

Ang mga lalawigan naman ng Quezon at Pampanga ay nasa ilalim ng Orange Rainfall Warning Alert habang nasa Yellow Rainfall Warning Alert naman ang Tarlac at Nueva Ecija.

Sa pinakahuling abiso rin mula sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Mario sa layong 64 km North Northeast ng Tuguegarao City kaninang 10:00 ng umaga.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 100 kph.

Nakataas ngayon ang signal number 2 sa mga lalawigan ng Cagayan, Calayan, Babuyan and Batanes Group of Islands, Isabela, Kalinga, Apayao, Mt. Province, Abra at Ilocos Norte, Batanes Group of Islands.

Nasa ilalim naman ng storm signal number 1 ang mga lalawigan ng Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur at La Union.-DCR

 

 

 

Advertisements