Kalihim dapat na inirespeto: UP Pres. Pascual kinundena ang ginawang pagkuyog kay Abad

President Pascual

University of the Philippines President Alfredo Pascual Image from: ovcsa.upd.edu.ph

 

Mariing kinundena ni University of the Philippines President Alfredo Pascual ang ginawang pagkuyog ng mga mag-aaral ng UP at ilang militanteng estudyante kay DBM Sec. Butch Abad ng bumisita ito sa pamantasan para sa isang speaking engagement.

Sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Pascual, sinabi nito na dapat sana ay binigyan ang kalihim ng pagrespetong ibinibigay din sa  mga nagiging  panauhin ng pamantasan.

Aniya, hindi kinukunsinti ng UP ang paggamit ng karahasan laban sa sinuman, maging ito man ay taga UP o hindi.

“ While UP constituents are free to actively express their views on issues that affect our nation, such as the proper use of public funds, UP does not condone the use of violence in any manner against any person, be it a member of the university community, a visitor, or a government official,”  pahayag ni Pascual.

Ayon pa kay Pascual, walang lugar sa isang unibersidad tulad ng UP ang paggamit ng karahasan at hindi maayos na pananalita.

Kasunod nito sinabi rin ng opisyal na iniimbestigahan na nila ang naganap na pagkuyog kay Abad habang papalabas ito sa School of Economics Auditorium pati na rin ang partisipasyon sa protesta ng ilang militante na hindi taga UP.

Bago ang pahayag ni Pascual ay naglabas na rin ng kani-kanilang mga saloobin ang School of Economic Student Council at ang 23 propesor sa naturang institusyon na pawang kumokondena sa sinapit ng kalihim.

Matatandaan na noong nakaraang Miyerkules (September 17) ay halos makuyog ng humigit kumulang 50 militanteng estudyante si Abad habang papalabas ito sa School of Economics dahil sa isyu ng Disbursement Acceleration Program. -DCR

Advertisements