PNoy hinimok ang mga bansa na magtulungan para tugunan ang epekto ng climate change

PNoy 1

Philippine President Benigno Aquino III addressing his fellow world leaders during the 2014 United Nations Climate Change Summit in New York Photo from: PNoy Facebook Page

 

Nanawagan si Pangulong Benigno Aquino III sa mga bansang kasapi ng United Nations na aksyunan na at gumawa na ng mga kongkretong hakbang para masolusyunan ang mga epektong idinudulot ng climate change.

Ginawa ni PNoy ang pahayag ng magsalita ito kahapon sa United Nations Climate Change Summit sa New York.

Kasama ang Pangulo sa mahigit 100 mga lider sa buong mundo na dumadalo sa nasabing pagtitipon para matugunan ang epekto ng pagbabago ng klima sa mundo.

Ayon sa Pangulo, banta para sa mga papaunlad na bansa tulad ng Pilipinas ang epekto ng pagbabago ng klima tulad ng pagtaas ng tubig sa dagat at madalas na pagkakaroon ng malalakas na bagyo.

Ani ni PNoy, sa kabila ng limitadong pagkukunan ay ginagawa ng bansa ang lahat para matugunan ang epekto ng climate change.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang pagpapabuti sa kalagayan ng PAGASA para sa mas maayos na pagtaya ng panahon.

“The Philippines is not waiting. We are addressing climate change to the maximum with our limited resources. Legislation has been enacted to lessen the impact of disasters by adopting a comprehensive approach to disaster response. We have empowered our forecasting agencies so that they can give  timely warnings to vulnerable communities for national and local authorities and residents. We have undertaken multihazard and geohazard mapping which is integral to the effective assessment risk,” pahayag ng Pangulo.

Bukod dito ay ipinagmalaki rin ni PNoy sa UN ang pagkakapasa ng bansa sa Renewable Energy Act upang mas makatulong sa pag-ibsan ng epektong dulot ng pagbabago ng klima.

“As early as 2008, we have passed a Renewable Energy Act, and are now treading a climate-smart development pathway. We continue to take steps to maintain and even improve our low-emission development strategy and the trajectory of our energy mix, and are hopeful that our fellow developing nations, especially those who have been gaining the economic wherewithal to pursue similar strategies, will tread a path akin to ours,” pahayag pa nito.

Bago matapos ang kanyang apat na minutong talumpati binanggit ni PNoy ang pagtama sa bansa ng bagyong Yolanda (Haiyan). Aniya, ang UN Climate Change Summit ang pinakamalaking pagtitipon na kanyang dinaluhan matapos tumama sa bansa ang pinakamalakas na bagyo.

Ayon kay PNoy, makakapamili lamang ang mga bansa sa mundo, ito ay ang harapin at magtulong tulong para tugunan ang epekto ng pagbabago ng klima o kaya ay sama-sama ring pasanin ang hindi magandang epekto ng climate change sa mundo.

Sa huli hinikayat ng Pangulo ang lahat ng bansang kasapi ng UN na gawin ang lahat ng makakaya para tugunan ang hamon ng climate change.-DCR

 

 

 

 

 

 

Advertisements