PNoy sinigawan habang nagsasalita sa Columbia University

https://www.facebook.com/video.php?v=794413347283563&set=vb.100001447155575&type=2&theater

Philippine President Benigno Aquino III heckled while answering questions in Low Library, Columbia University, New York Video snapshot from: DZRH Arangkada Balita video

No justice! No Peace! Stop the Killings in the Philippines!”

Ito ang mga salitang nagpatigil kay Pangulong Benigno Aquino habang nagsasalita sa isang open forum sa Low Library, sa Columbia University sa New York.

Pansamantalang natigilan sa kanyang pagsasalita si PNoy matapos magsisigaw at magladlad ng dala nitong banner ang isang militante sa isang open forum na ginawa matapos ang talumpati ng Pangulo.

Bitbit na isyu ng mga militanteng naroon ang mga usapin tungkol sa nagpapatuloy na pagpaslang at impunity sa bansa, mga nawawalang pondo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda pati na rin ang sinasabing Charter Change sa ilalim ni Aquino.

“I looked up to your mother. I am a Filipino woman and I saw her as a hero, a modern day hero. And what do you do? You want a Charter change to extend your presidency?” “Now I see the realities of what your family has done. I have been to Hacienda Luisita,” pahayag pa ng heckler ng Pangulo.

Makaraang mapalabas  sa venue ay sumama sa humigit kumulang 30 aktibista ang heckler ni PNoy at itinuloy ang protesta.

Pinangunahan ng grupong Gabriela at Bayan ang protestang ginawa sa harap ng Low Library sa nasabing pamantasan kung saan nagsalita ang Pangulo.

Sa kanya namang talumpati sa Columbia University, ipinagmalaki ni PNoy ang pagtaas ng credit ratings na nakukuha ng bansa at maging ang mga pagbabagong nagawa ng kanyang administrasyon.

Hindi rin naiwasan ng Pangulo na ikumpara si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pumanaw na si dating Pangulo Ferdinand Marcos na nagbaba ng batas militar sa bansa.

Kasunod nito ay ipinagmalaki rin ni PNoy ang pagkakapatalsik sa pwesto kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“The message is clear: Gone are the days when money, power, and influence determined one’s innocence or guilt,” pahayag pa ni PNoy.

Sa press briefing naman na ginawa doon, sinabi ng Pangulo na nasanay na siya sa mga ganitong uri ng aksyon laban sa kanya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinigawan ang Pangulo habang nagtatalumpati. Noong nakaraang June 12 habang nagbibigay ng talumpati si PNoy para sa Araw ng Kalayaan sa Bicol ay sinigawan rin ito ng isang militanteng estudyante.-DCR

 

Advertisements