NFA administrator Juan naghain ng irrevocable resignation

NFA Arthur Juan

NFA Administrator Arthur Juan

Nagbitiw na sa kanyang pwesto si National Food Authority Administrator Arthur Juan.

Inihain ni Juan ang kanyang irrevocable resignation ngayong araw lamang.

Problemang pangkalusugan ang idinadahilan ni Juan sa kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Bago ito ay una na ring naghain ng kanyang courtesy resignation ang opisyal noong Agosto 15.

Una ng isinasangkot si Juan ng isang rice trader dahil sa pangingikil umano nito ng P15M.

Sa kumalat na recommendation report ng National Bureau of Investigation para sa Pangulo ay inirerekomenda na ng mga ito na kasuhan ng graft ang opisyal kaugnay ng alegasyon pangingikil.

Nitong nakaraang June lamang inilagay sa pwesto ni Pangulong Benigno Aquino si Juan bilang kapalit ng nagbitiw din sa tungkuling si Orlan Calayag.

Si Juan ay dating pangulo ng San Miguel Foods bago pumasok sa NFA.

Pinararatangan ng rice trader na si Jojo Soliman si Juan at sinampahan ng kasong pangingikil matapos ang raid na ginawa ng grupo ng opisyal sa warehouse ng negosyante sa Malolos, Bulacan noong Hulyo.

Una ng nagsilbi sa pamahalaan si Juan matapos magtapos sa Philippine Military Academy noong 1968 at sumama sa Philippine Air Force bago pumasok sa pribadong sektor.-DCR

Advertisements