Dahil sa pagpatay sa Pinay transgender: Pagbasura sa VFA muling iginiit ni Santiago

Santiago

Sen. Miriam Defensor-Santiago Photo from: Sen. Santiago’s Facebook Page

Ibasura ang VFA!

Ito ang panawagan na muling inulit ni Sen. Miriam Defensor Santiago matapos ang pagpatay sa Pinay transgender na si Jennifer Laude.

Si Laude ay sinasabing pinaslang ng US Marine na si Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Santiago, ang panibagong kaso na ito ng pang-aabuso ng isang sundalong Amerikano ay nagpapakita na ang Visiting Forces Agreement (VFA) ay panig lamang para sa interes ng Amerika.

“This presents an opportunity for me to recall, to sound anew, to call again for the abrogation of the VFa because under the VFA, particularly on the provision on jurisdicition, if the crime has been committed, one, within Philippine territory and, two, declared a crime under Philippine law, automatically jurisdiction belongs to the Philippines,” pahayag ni Santiago.

Kasunod nito, sinabi ng senadora na magsasagawa ang Senate foreign relations committee ng pag-iimbestiga tungkol sa pagkakapaslang kay Laude.

Ayon kay Santiago, kasama sa kanilang mga iimbitahan sa pagdinig sa Senado ay ang ma pulis na nag-iimbestiga sa krimen pati na rin ang mga saksi sa insidente.

“Ask the Americans to renegotiate, if they refuse, then simply give them notice to terminate. Under the rules of VFA, all you have to do to abrogate the VFA is give one year notice to the Americans,” pahayag pa ni Santiago.

Kasabay nito ay  inihain  na rin sa Kamara ang House Resolution no. 1568 na humihiling para maimbestigahan ang Laude slay case.

Layon ng nasabing resolusyon na inihain ni Kabataan Rep. Terry Ridon na hikayatin ang committee on foreign affairs at committee on national defense na magsagawa ng pagsisiyasat sa insidente.-DCR

Advertisements