Tricycle driver na itinuturong gumahasa sa estudyante ng UPLB nadakip na

Elbi

Image from Wikipedia

Nadakip na ng Laguna PNP  ang tricycle driver na itinuturong gumahasa sa 17-anyos na estudyante ng University of the Philippines Los Baños noong Miyerkules ng gabi.

Hindi na lumaban pa ang tricycle driver matapos itong matunton ng mga pulis sa bahay ng kanyang tiyahin sa bayan ng Calauan.

Sa panayam sa DZBB ni Laguna PNP chief Senior Superintendent Florendo Saligao, nadakip ang suspek bandang 12:45 kaninang madaling araw.

Ayon kay Saligao, hindi na nanlaban pa ang salarin ng dakpin ito ng pulisya. Napag-alaman din na hindi na bumiyahe kahapon sa kanyang regular na ruta ang suspek.

Sa ulat naman ng Interaksyon.com, nakilala ang salarin na si Jose Montecillo alyas Joey 26-anyos.

Nabatid na nasa ospital ang asawa ng suspek dahil katatapos lamang nitong manganak. Sinabi rin umano ng salarin sa kanyang asawa na huwag muna siyang hanapin dahil nasangkot siya sa isang krimen.

Sa ngayon ay inihahanda na ng Laguna PNP ang mga karampatang kaso laban sa tricycle driver.-DCR

Advertisements