Pemberton ikinulong na sa Camp Aguinaldo

Pemberton

Pfc. Joseph Scott Pemberton

Idinala na sa Armed Forces of the Philippines Headquarter sa Camp Aguinaldo ang suspek sa pagpatay sa Pinay transgender sa Olongapo City na si Pfc. Joseph Scott Pemberton.

Ayon sa ilang ulat, napagkasunduan na ng embahada ng Amerika at gobyerno ng Pilipinas na sa Camp Aguinaldo ikulong ang US Marine suspect habang gumugulong ang kaso.

Ilang minuto bago sumapit ang alas 9:00 ng umaga ng mamataan ang paglapag sa kampo ng isang helicopter kung saan pinaniniwalaang sakay si Pemberton.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gregorio Pio Catapang, ikukulong si Pemberton sa isang 20 footer container van sa loob ng Mutual Defense Board Facility compound.

Si Pemberton ay babantayan umano sa loob ng isang US Marines habang ang labas na bahagi ng kulungan nito ay babantayan ng sundalo mula sa AFP. 

Kahapon ay nagsimula na ang preliminary investigation sa kaso ng pagpaslang kay Jennifer Laude sa Olongapo City Prosecutor’s Office kung saan dinaluhan ito ng mga abogado at kaanak ng biktima.

Bigo namang iharap sa naturang aktibidad si Pemberton at s halip ay abogado at ilang kinatawan ng US Embassy ang dumating doon.-DCR

Advertisements