Larawan ni Camarines Norte Gov. Tallado at sinasabing kinakasama nito kumakalat sa internet

Tallado 4

Alleged photo of Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado and his unidentified mistress

Lumabas na sa internet partikular sa ilang social media sites ang diumano’y larawan ni Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado kasama ang kanyang sinasabing kalaguyo.

Ang larawan ay nagpapakita sa isang lalaki na tila si Tallado habang kaakbay sa isang kwarto ang kanyang kinakasama.

Una ng lumabas sa media ang paglalantad ng asawa ni Tallado na si Josefina na may kinakasamang 24 years old na babae ang kanyang asawa.

Bago ito ay napabalita ang pagkawala ni Josefina na una ng pinaniwalaang dinukot subalit nitong Martes ay lumabas sa telebisyon ang ginang upang klaruhin ang lahat.

Ayon kay Josefina, nawala siya sa Camarines Norte dahil kusa siyang umalis at tumakas dahil sa takot para sa kaligtasan ng kanyang buhay.

12

Aniya, bago ang kanyang pag-alis noong October 17 (Biyernes) ay nagkaroon sila ng pagtatalo ng asawang gobernador.

Sa salaysay ni Josefina sa programang Umagang Kay Ganda ng ABSCBN, sinabi nitong galit na galit sa kanya ang asawa dahil siya ang pinagbibintangan nitong naglagay sa internet ng hubad na larawan ng kalaguyo nito.

Nilinaw ni Josefina na ang sinasabing larawan ng gobernador ay nagpapakita lamang sa babaeng kinakasama nito na kabaligtaran sa kumakalat ngayong larawan.

Kinumpirma rin ng ginang na nakita na rin niya ang sinasabing sex video ng asawang gobernador at ng kalaguyo nito.

Sa ngayon ay nasa Maynila si Josefina matapos tumakas sa kanilang lalawigan sa takot dahil sa mga pagbabanta sa kanyang buhay. Sinabi rin nito na nais na niyang makipaghiwalay sa asawa matapos ang mga pangyayaring.

Hindi pa rin muling humaharap sa media si Gov. Edgardo subalit nakiusap na ang abogado nito na bigyan ng oras at privacy ang mag-asawa para maayos ang kanilang problema.-DCR

 

Advertisements