Buwan ng Pagbasa 2014: Nasa Pagbasa ang Pag-asa

DepEd

Image from: DepEd Twitter

Inilunsad ngayong araw ng Department of Education sa pangunguna ni DepEd Sec. Armin Luistro ang pagdiriwang  sa 2014 National Reading Month.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Nasa Pagbasa ang Pag-asa”.

Kasabay nito ay inilunsad din ng kalihim ang proyektong Share A Book Challenge.

Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang taumbayan na makapag-ambag ng libro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Hinihikayat din ng DepEd na palaganapin ang proyekto sa pamamagitan ng paggamit sa hashtag na #ShareABookPH.

DepEd 2

Image from: DepEd Twitter

Samantala, sa paglulunsad ng National Reading Month ngayong araw ay isang story reading session ang dinaluhan ni Luistro sa Pasig Central Elementary School.

Sa DepEd memorandum no. 121 series of 2014 na inilabas noong Oktubre 23, ilan sa mga aktibidad na maaaring gawin ng mga paaralan para sa National Reading Month ay ang Mystery Reader, Read a Book Win a Friend, Storybook Challenge, Reading Camp at marami pang iba.

Sa bisa naman ng Republic Act 10556 ay idinideklara nito ang ika 27 ng Nobyembre bawat taon bilang Araw ng Pagbasa. 

Sa kanyang talumpati ngayong araw, muling binigyan ng importansya ni Luistro ang pagbabasa. Aniya, sa pamamagitan ng pagbasa ay kaya nitong dalhin ang isang tao saanman sa mundo. 

“Ang pagbabasa ay nagbubukas sa mga mundo na hindi natin makikilala. Ito ay magdadala sa atin sa kahit anumang imahinasyon,” pahayag pa ng kalihim.-DCR

 

Advertisements