Binay nangunguna pa rin sa Metro Manila

Binay

Vice President Jejomar Binay Image from: Jojo Binay Facebook

 

Nangunguna pa rin si Vice President Jejomar Binay sa mga napipisil na pambato para pagka pangulo ng bansa para sa 2016 Election.

Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Novo Trends PH na ginawa sa Metro Manila noong Oktubre 24-25 at may 1,600 na respondents.

Sa naturang survey ay nakakuha si Binay ng 29.3%. Ginawa ang survey sa kasagsagan ng nagpapatuloy na pagdinig sa Senado tungkol sa mga umano’y tagong yaman ng bise presidente.

Pumangalawa naman sa survey si Pangulong Benigno Aquino III na nakakuha ng 13.1%. Nakuha ni PNoy ang naturang bilang sa kabila ng pagsasabi nito na hindi na siya naghahangad para sa ikalawang termino.

Nasa ikatlong pwesto naman si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 11.8% habang pang-apat si Sen. Miriam Defensor-Santiago na may 7.9% samantalang panglima naman si Sen. Bongbong Marcos na may 5.1%.

Kasama rin sa mga napupusuan ng mga taga Metro Manila na pambato sa 2016 National Election sina Sen. Chiz Escudero (4.6%), Davao City Mayor Rodrigo Duterte (3.6%), DILG Sec. Mar Roxas (3.4%), Sen. Alan Peter Cayetano (3.4%) at dating Sen. Manny Villar (2.1%).-DCR

 

 

Advertisements