Para sa mga biktima ng Yolanda: November 8 National Day of Prayer- CBCP

cbcp

Image from: CBCP News

Idineklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang November 8 (Sabado) bilang National Day of Prayer para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda (Haiyan).

Sa darating na Sabado ay gugunitain ang unang anibersaryo matapos hagupitin ang bansa partikular na ang Kabisayaan ng bagyong Yolanda. Ang naturang bagyo ang pinakalakas na tumama sa kasaysayan ng mundo.

“On Nov. 8, 2014, the Filipino nation will commemorate the anniversary of typhoon Yolanda that has ravaged the country’s Central Visayas region. Thus, we declare Nov. 8 this year as a National Day of Prayer, especially for the victims and survivors of the typhoon,” pahayag ni CBCP president  Archbishop Socrates Villegas.

Kasunod nito ay hinikayat din ni Villegas ang lahat ng simbahan sa buong bansa na makiisa at sabayang patunugin ang kanilang mga kampana sa ganap na 6:00 ng gabi sa Sabado kasunod ang isang panalangin para sa mga biniktima ng bagyo.

Humigit kumulang sa 7,000 katao ang namatay dahil sa pananalasa ng Yolanda habang may mahigit 1,000 pa rin ang patuloy na nawawala hanggang sa kasalukuyan.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring pinal na bilang ang gobyerno kung ilan ang talagang nasawi dahil sa pagragasa ng bagyo.

Sa pinakahuling tala mula sa Official Gazette nasa 6,201 ang naitala nilang namatay dahil sa bagyo, nasa 27,665 ang nasaktan at nasugatan habang umaabot naman sa 1,061 ang nawawala pa dahil sa bagyo.-DCR

 

Advertisements