Unang taon matapos ang unos: Bisperas ng Yolanda sinalubong ng protesta

1

Sinalubong ng mga Yolanda survivor at militanteng grupo sa baybayin ng Tacloban City ang mga nakaligtas sa bagyong Yolanda mula sa Basey, Samar na nakiisa sa fluvial parade protest. Imahe mula kay: Renato Reyes Facebook

Sinalubong ng malakihang kilos protesta ang bisperas ng paggunita sa unang taon matapos humagupit ang bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Sa pangunguna ng grupong Bayan at mga kasamang grupo sa ilalim ng Peoples Surge ay ikinasa ngayong araw ng mga militante  ang isang fluvial parade protest.

Mula Basey, Samar ay naglayag ang humigit kumulang 50 mga bangka sakay ang mga Yolanda survivor  patungo sa Tacloban City kung saan sinalubong sila ng iba pang mga militante at mga nakaligtas sa bagyo.

Nag-walkout din ang mga estudyante ng University of the Philippines-Tacloban at nakiisa sa bulto ng mga nagpoprotestang mga survivor.

Ayon sa grupong Bayan inaasahan ang malakihang mga protesta ngayong araw hindi lamang sa Tacloban at sa Maynila kundi sa iba pang lugar gaya ng Hong Kong, Canada, Estados Unidos at iba pang bansa sa Europa bilang pagkondena sa kabiguan ng gobyerno na ganap na masolusyunan ang pinsalang iniwan ng bagyo.

“Thousands are expected to join the protest actions on November 7 and 8, one year after Yolanda/Haiyan, and one year after the Aquino government’s gross criminal neglect of the victims of the storm. More than remembering those who perished in the storm, we are called upon to join the survivors’ fight for pro-people rehabilitation and reconstruction,” pahayag ni Bayan secretary general Renato Reyes.

“The victims of Yolanda are justified in expressing their outrage over the Aquino government’s failure to provide adequate permanent housing, sustainable livelihood, and other basic social services. The victims are justified in condemning corruption and inefficiency in the conduct of relief, rehabilitation and reconstruction work since the storm hit,” dagdag pa ni Reyes.

Binatikos din ni Reyes ang pag-iwas ni Pangulong Benigno Aquino III na magtungo sa Tacloban City. Sa kanyang Facebook status ay sinabi ni Reyes na  gumawa pa ng kung anu-anong palusot ang administrasyon sa hindi pagpunta ni PNoy sa Tacloban ngunit ang katotohanan ay takot itong harapin ang galit ng mga nabiktima ng bagyo.

“The Aquino regime is scared of the rising wave of protests against government’s criminal neglect of the storm victims. The regime has come up with all sorts of excuses for Aquino not going to Tacloban on Nov.8, including the upcoming APEC meet. In truth, the President does not want to face the people’s outrage. Let the world know that one year after Haiyan, the survivors are fighting for their rights, welfare and dignity against a corrupt and hopelessly inept government,” pahayag pa ni Reyes.

Inaasahan na bukas sa mismong anibersaryo ng paghagupit ng Yolanda ay inaasahan na mas malaking pagkilos pa ang nakalatag para iparating sa gobyerno ang karaingan ng mga biktima at nakaligtas sa itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa lupa sa kasaysayan ng mundo.-DCR

 

 

Advertisements