Batanes niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

batanes

Images from: PHIVOLCS

 

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang lalawigan ng Batanes kaninang 11:29 ng umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng pagyanig 214 km southwest sa bayan ng Itbayat na may lalim na 32 km.

Tectonic ang origin ng lindol.

Naramdaman ang intensity 3 sa Calayan Islands habang intensity 2 naman sa Laoag, Ilocos Norte.

Sa panayam ng dzBB, sinabi ni PHIVOLCS Dir. Renato Solidum na hindi magdudulot ng tsunami ang pagyanig.

Sa kabila nito may mga posibleng aftershock naman umanong mararamdaman ang mga residente kaya pinayuhan niya ang mga ito na maging handa at alisto.-DCR

Advertisements