Matapos sigawan si PNoy: Siyam na Hong Kong journalists blacklisted sa Pilipinas

BI Letter

The alleged blacklist order from Bureau of Immigration containing the names of nine Hong Kong journalists. Image from: SCMP

 

Inilagay umano sa blacklist order ng Bureau of Immigration ang siyam na mamamahayag mula sa Hong Kong dahil sa ginawa umano nilang paninigaw kay Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang taon sa ginanap na Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa Bali, Indonesia.

Base sa ulat ng pahayagang South China Morning Post (SCMP), pinipigilan ng nasabing blacklist order ang siyam na mamamahayag na makapag-cover sa gaganaping APEC Summit dito sa Pilipinas sa susunod na taon.

Sa kabila nito, itinanggi na ni Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Sec. Sonny Coloma ang paglalabas ng Bureau of Immigration (BI) ng blacklist order laban sa mga mamamahayag na nasangkot sa paninigaw kay PNoy sa Indonesia.

BI

According to Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison, there is no such ‘blacklist’ of journalists who are denied entry to the Philippines on account of their actions during the APEC summit in Bali, Indonesia, last year,”pahayag ni Coloma.

Sinabi pa ng kalihim na hindi pa nagsasagawa ng proseso ng akreditasyon ang PCOO para sa mga banyaga at lokal na midya na magsasagawa ng coverage sa APEC na gagawin dito sa bansa.

“The Presidential Communications Operations Office, which is the office that gives accreditation to international and Filipino journalists covering official government events, has not started the accreditation process for journalists who will cover the Apec summit in the Philippines in 2015.  Therefore, no journalist has been given or denied accreditation, and there is no factual basis for the existence of a so-called blacklist,” pahayag pa ng kalihim.

Sa kabila nito tila iba naman ang pahayag ng PCOO at BI dahil sa inilabas na ulat  at kopya ng blacklist order ng SCMP.

Una ng hindi pinapasok sa bansa nitong nakaraang Huwebes (November 20) ang TV cameraman na si Eric Lee Kwok-keung dahil kasama ang kanyang pangalan sa naturang blacklist order mula sa BI na pirmado pa ni Mison.

Dumating sa bansa si Kwok-keung sakay ng Philippine Air Lines Flight PR 301 subalit hindi pinayagang makapasok ng bansa. Ang pangyayaring ito ay kinumpirma ng isang hindi na nagpakilala pang opisyal ng BI.

Wala namang nagawa ang mamamahayag kundi bumalik din ng Hong Kong matapos hindi payagan na makapasok dito sa Pilipinas.

Dahil sa pangyayari sinabi ni Coloma na patitignan niya kay Coloma kung lehitimo ang ulat na hindi nga napapasok sa bansa ang naturang Hong Kong journalist at kung ano ang naging dahilan sa aksyong ito ng BI.

“He (Mison)  said that if the identity of the Hong Kong-based cameraman who was reportedly denied entry is known, then the BI could verify from its records if, indeed, there was a denial of entry as well as the legal grounds for such denial,” pahayag pa ni Coloma.

Matatandaan na noong isang taon ay siyam na mamamahayag mula Commericial Radio, Now TV at RTHK ang sinasabing nanigaw kay PNoy habang papasok ito sa venue ng APEC Summit sa Bali.

Itinatanong ng nasabing mga reporter kay PNoy kung kakausapin ba nito si Hong Kong Executive Minister Leung Chun-Yung at kung hihingi ba ito ng patawad sa pamilya ng mga naging biktima ng 2010 Manila bus hostage crisis.-DCR

Advertisements