Pacquiao panalo kontra Algieri via unanimous decision

 

WBO Pacquiao

Manny Pacquiao retains WBO welterweight crown Photo courtesy of: www.wboboxing.com

Napanatili ni pambansang kamao Manny Pacquio ang kanyang WBO welterweight belt matapos talunin si American boxer Chris Algieri via unanimous decision. 

Ipinatikim ni Pacquiao kay Algieri ang kauna-unahan nitong talo matapos pabagsakin ang huli sa kanilang laban sa  Cotai Arena, Venetian Resort, Macau.

Pumabor ang lahat ng judge kay Pacquiao base sa mga iskor na 119-103, 119-103, at 120-102.

 

Unang napabagsak ng bahagya si Algieri at binilangan ng referee sa round 2 subalit tuluyan nitong natikman ang bangis ni Pacquiao ng dalawang beses siya nitong pabagsakin sa round 6 ng kanilang laban.

PAcquiao Algieri

Pacquiao vs Algieri Photo from: Chris Farina via Manny Pacquiao Facebook

 

Muling bumagsak si Algieri sa round 9 at dalawang beses na binilangan ng referee. Sa huling sampung segundo ng round 10 ay muli na namang bumagsak ang American boxer matapos bigyan ng right upper cut ni Pacquiao. 

Dahil dito nadungisan na ng tuluyan ang malinis na record ni Algieri na mayroon na ngayong isang talo. 

Sa kanyang pagkapanalo ay agad namang nagpaabot ng pagbati ang Malacañang.

Sa statement na binasa ni PCOO Sec. Sonny Coloma sinabi nito na ang pagkapanalo ng pambasang kamao ay sumasalamin sa pagiging magiting, magilas at masigasig ng mga Pilipino na kailanman ay hindi tumitiklop sa anumang uri ng panganib.

Sa panayam naman ng dzBB sinabi ni Pacquiao na mag-uusap pa sila ng kanyang promoter na si Bob Arum kung isusunod na sa kanyang mga makakalaban ang boksingerong si Floyd Mayweather.-DCR

 

 

Advertisements