Mga kabataan tinawag na ‘Gaga Girl’ at ‘Bobo Boy’: Infomercial ng DOH umani ng batikos

 

info1

Screenshot from DOH informercial about teenage pregnancy

 

Umani ng kaliwa’t kanang batikos mula sa mga netizen ang isang music video ng Department of Health na para sana sa kampanya nito laban sa teenage pregnancy sa bansa.

Kahapon (November 30) ini-upload ng DOH ang mahigit tatlong minutong informercial nito para labanan ang tumataas na bilang ng mga kabataang nabubuntis sa bansa. 

Subalit sa halip na umani ng suporta ay galit at inis na puna ang sumalubong sa kampanya ng DOH kung kaya napilitan din ang kagawaran na alisin ang video.

Ipinapakita ng video ang isang grupo ng mga kabataan na bilang mga cheer dancer at sumasayaw sa saliw ng kantang ginawa para sa kampanya ng DOH. 

w1
Ayon sa ilang netizen, tila insulto sa mga kabataan at sa sinumang makakarinig ng kanta ang mensahe ng awit dahil sa pagtawag nito sa mga babae bilang “gaga girl” at sa mga lalaki bilang “bobo boy”. 

w2

 

Sa isang parte ng awit ay maririnig din ang ganitong mga lyrics, “Kung ako’y mahal mo
Surrender mo ang bandila Ibigay mo na sagot kita, sagot kita” at “‘Di naman ako gaga girl ‘Di naman ako bobo boy”. 

Hanggang sa ngayon ay hindi naman nagpapaliwanag ang kagawaran kung bakit inalis nila ang video at kung kaninong ideya o konsepto ang ginamit para sa pagbuo ng informercial.-DCR

 

Advertisements