Magnitude 6.4 na lindol tumama sa Kalamansig, Sultan Kudarat

6.4

Source: PHIVOLCS

 

Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Sultan Kudarat pasado 1:00 ngayong hapon.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang episentro ng lindol 112 km southwest ng Kalamansig Island at may lalim na 619 km malapit sa bahagi ng Celebes Sea.

Naramdaman ang intensity 2 ng lindol sa Bislig City.

Patuloy pa ring nangangalap ang mga karagdagang datos ang PHIVOLCS hinggil sa pagyanig.

Wala namang tsunami warning na inilalabas hanggang sa ngayon dahil sa lindol.-DCR

 

Advertisements