Hagupit ni Ruby: Albay isinailalim na sa state of calamity

 

Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Albay.

Ang hakbang ay ginawa ng sangguniang panlalawigan sa pamamagitan ng special session na idinaos ngayong araw kasunod ng nalalapit na pagtama doon ng bagyong Ruby (Hagupit).

Bago nito ay inatasan na rin ng Office of the Civil Defense Region 5 ang anim na lalawigan sa Bicol Region na magdeklara ng state of calamity.

Layon nito na magamit na ang calamity fund ng mga lalawigan para magamit sa pagtulong sa mga masasalanta ng bagyo.

Albay 1

Authorities in Albay conducts preemptive evacuation in Buhatan, Sto. Domingo area due to typhoon Ruby (Hagupit). Photo lifted from Albay Gov. Joey Salceda Facebook

 

Sa pinakahuling forecast ng PAGASA kaninang umaga ay nakataas na ang public storm warning signal number 3 sa mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.

Sa pinakahuling impormasyon ay nasasagawa na ng preemptive evacuation ang Albay at target nilang mailikas ang mahigit sa 120,000 na pamilya.-DCR

 

 

Advertisements