Baril ng mga pulis sinelyuhan na kontra indiscriminate firing

PNP 1

CIDG Chief P/Dir. Benjamin Magalong lead the ceremonial sealing of gun muzzles today in Camp Crame, Quezon City. Image from: PNP Facebook

 

Sinelyuhan na ng Philippine National Police (PNP) ang baril ng mga tauhan nito sa buong bansa upang maiwasan ang pagpapaputok ng baril ngayong darating na Pasko at Bagong Taon.

Ang hakbang ay bahagi ng taunang kampanya ng PNP laban sa indiscriminate firing.

Aabot sa 1,500 pulis sa pambansang himpilan ng PNP sa Camp Crame ang nakilahok sa pagseselyo ng baril ngayong araw.

PNP 2

PNP-NCRPO Dir. Carmelo Valmoria seals the gun muzzles of women police officers in Camp Bagong Diwa, Taguig. Image from: PIO NCRPO Facebook

 

Nagbabala ang pamunuan ng PNP sa mga pulis na mapapatunayang lalabag na mahaharap ang mga ito sa kasong kriminal at administratibo sakaling mapatunayang sila ay nagpaputok ng baril.

Sa huling datos ng PNP mula Disyembre 16, 2013 hanggang Enero 2, 2014 ay nasa 16 na katao ang kanilang dinakip dahil sa indicriminate firing.

Sa naturang bilang ay apat ang pulis na napatunayang nagpaputok ng kanilang mga baril.

Humigit kumulang 28 katao naman ang nabiktima ng ligaw na bala sa pagdiriwang ng Kapaskuhan noong nakaraang taon.-DCR

Advertisements