Lea Salonga sinabing si Darren Espanto dapat ang nanalo sa The Voice Kids

Lea

Screen shot from Lea Salonga Twitter

 

 

Si Darren Espanto sana ang dapat na nagwagi sa The Voice Kids.

Ito ang naging reaksyon ng magaling at hinahangaang singer at isa sa coach ng The Voice na si Lea Salonga sa kanyang Twitter account.

Nasabi ni Salonga ang opinyon matapos mapanood ang pagtatanghal ni Espanto kasama ang kanyang coach na si sarah Geronimo matapos kantahin ang “Bang Bang”. 

Matatandaan na si Lyca Gairanod ang nanalong The Voice Kids grand champion.

Sina Gairanod at Espanto ay kapwa nasa ilalim at sinanay ni Sarah sa naturang kompetisyon.

Lea 2

Pinaliwanag naman ni Salonga sa kanyang Twitter na magaling din naman si Gairanod subalit mas napapahanga lamang siya ni Espanto sa mga pagkanta nito.

“It’s not that she (Gairanod) isn’t good. She is naman. But he (Espanto) just continues to impress me as a singer and as a human being,” pahayag pa ng beteranang singer.

Dati ng sinabi ni Salonga na nanghihinayang siya sa hindi pag-ikot at pagpili kay Espanto para mapabilang sa kanyang grupo.-DCR

 

Advertisements