Nakaladkad na MMDA traffic constable sa Edsa Cubao pumanaw na

Acosta

MMDA traffic constable Sonny Acosta Image courtesy of MMDA Facebook

 

Namatay na ang traffic constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na kinaladkad ng sinisita nitong motorista sa Edsa Cubao sa Quezon City noong Disyembre 19.

Bandang 2:30 kaninang hapon ng bawian ng buhay sa St. Lukes Medical Center si MMDA traffic constable Sonny Acosta.

Bago ito ay ilang araw munang na-comatose ang biktima bunsod ng insidente.

MMDA

 

Nabatid na pinara ni Acosta ang tsuper ng Isuzu Sportivo na si Mark Ian Libunao dahil nasa lane ito na para lamang sa mga provincial buses.

Akma nang hinihingi ng biktima ang lisensya ng salarin ng bigla nitong isinara ang bintana saka biglang pinatakbo ang sasakyan dahil upang makaladkad si Acosta ng may ilang metro.

Sa ngayon ay nakasuhan na si Libunao sa Quezon City Prosecutor’s Office ng kasong reckless imprudence resulting to physical injuries at pagmamaneho ng may palso ng lisensya.

Naiwan ni Acosta ang kanyang asawa at tatlong anak kung saan ang pinaka bunso ay anim na buwang gulang lamang.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si MMDA Chairman Francis Tolentino sa pamilya Acosta at nangakong tutulungan nila ang mga ito.

“We are saddened by the demise of MMDA Traffic Constable Sonny Acosta who was mercilessly hit and dragged by a motorist while performing his traffic duties along EDSA. This pattern of wanton disregard for traffic laws and persons in authority should be halted collectively by our society – respect for each other should be the norm. We shall continue to assist Sonny’s family seek justice as our traffic enforcers perform their duties with dignity. We call upon other witnesses to appear and support the quest for justice amidst alleged attempts to mislead the path of the case. We pray for the eternal repose of Sonny’s soul. This should be the last case of this nature. Igalang po natin ang bawat isa. Igalang po natin ang batas,” pahayag pa ni Tolentino.-DCR

Advertisements