Noche buena ibahagi sa mga dukha- Tagle

tagle

Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Photo courtesy of Chancery Archdiocese of Manila Facebook

 

Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga kasamang pari na ibahagi ang kanilang noche buena ngayong bisperas ng Pasko.

Kasabay ng bisperas ng Pasko ngayong araw ay ang tradisyunal na noche buena mamayang gabi kung saan nagsasalu-salo ang karamihan para salubungin ang pagsapit ng Pasko.

Sa kalatas na inilabas ni Tagle, sinabi nito ang Pasko ngayong taon ay ipinagdiriwang din kasabay ng Taon ng mga Aba (Year of the Poor).

Aniya, upang mas maging makabuluhan ang pagdiriwang ay inaanyayahan niya ang mga kasamang pari ng magsama ng mga pamilyang dukha at walang makakain sa kanilang mga parokya upang makasalo sa  noche buena mamayang gabi.

Hinikayat din nito ang mga parokya at ang kaparian na magsagawa ng mga aktibidad para sa mga mahihirap ngayong Kapaskuhan.

“May our solidarity with the poor help us to behold the Son of Man who became poor that we may become rich for God. Let us visit Jesus in the mangers of poverty around us. And let us bring gifts of mercy and compassion,” pahayag pa ng kardinal.-DCR

Advertisements