Bilang ng mga naputukan umabot na sa 113

doh

Image courtesy of DOH Facebook Page

 

Umabot na sa 113 kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok ang naitala ng Department of Health (DOH).

Ang bilang ay base sa pinakahuling tala ng kagawaran ngayong araw Disyembre 27.

Tulad ng mga nakalipas na taon, ang Metro Manila pa din ang may pinakamataas na bilang ng mga naputukan na umabot sa 44.

Sa naturang bilang  ang lungsod naman ng Maynila ang may pinakamaraming kaso ng naputukan na umabot sa 19.

Bagama’t pumalo na sa 113 ang kaso ng mga naputukan hanggang ngayong araw mas mababa pa rin umano ito ng 50 kaso ayon sa DOH kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Aabot naman sa 87 kaso ng mga naputukan ang hindi na kinakailangang putulan ng anumang bahagi ng katawan habang 19 sa mga kaso ay naitala dahil sa pagkasugat ng mata dahil sa paputok samantalang anim na kaso naman ng mga naputukan ang kinakailangan putulan ng bahagi ng katawan.

Pinakamarami pa rin sa mga naputukan ay sanhi ng paggamit ng ipinagbabawal na piccolo na umabot sa 75 na kaso habang 39 sa kaso ng mga naputukan ay mga bata na may edad 10 taon pababa.

Dahil dito ay nanawagan si DOH acting health secretary Janette Garin, sa mga magulang at iba pang nakakatanda na pag-ibayuhin pa ang pagbabantay sa mga paslit upang makaiwas ang mga ito sa panganib na dulot ng paputok.

Sa ngayon ay nakataas na ang code white alert sa lahat ng mga ospital na pinangangasiwaan ng DOH at mananatili ito hanggang sa matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.-DCR

 

 

Advertisements