14 Pinoy journalists makakasama sa eroplano ni Pope Francis patungong Pilipinas

papal flight

Pope Francis with journalists Image courtesy of: www.mozzarellamamma.com

 

Sa pambihirang pagkakataon ay 14 na Pilipinong mamamahayag ang makakasama ni Pope Francis sa papal flight nito patungong Pilipinas sa Enero 2015.

Inihayag na kahapon sa isang press conference ang 14 na Pinoy na makakasama ng Santo Papa sa kanyang paglalakbay mula Vatican patungong Sri Lanka at Pilipinas.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Vergara, chairman ng Papal Committee on Information and Media Relations kabilang ang 14 na Pinoy journo sa kabuuang 80 mamamahayag na accredited ng Vatican para makasama sa paglalakbay ni Pope Francis.

Kabilang sa mga mapapalad na makakasama sa flight ng Santo Papa ay sina Lynda Jumilla (ABS-CBN), Kara David (GMA 7), Pia Hontiveros (9TV), Lito Zulueta (Philippine Daily Inquirer), Joe Torres (UCAN News), Jhemmylrut Teng (TV5 Network), Cicero Roy Lagarde (CBCP News), Nino Manalo (9TV), Ariel Fulgado (ABS-CBN News), Melchor Quintos (GMA Network), Marco Paolo Bombase (Philippines Pool TV), Wilfred Delgado Herrera (Philippines Pool TV), Fr. Gregory Ramon Gaston (Radyo Veritas), at  Arvin Rillera (TV5 Network).

Ayon pa kay Vergara, posibleng maranasan ng mga makakasama sa flight ng Santo Papa ay ang press conference na ginagawa nito habang sila ay nasa himpapawid.-DCR

Advertisements