Dingdong Dantes at Marian Rivera ikinasal na

Marian

Marian Rivera walking down the aisle with parents. Image courtesy of Kris Aquino Instagram

 

 

Ikinasal na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ngayong araw sa isang magardong seremonya na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.

DM8

Image courtesy of Marian Rivera Facebook

 

Dinaluhan ang kasal ng napakaraming bisita kabilang na si Pangulong Benigno Aquino III.

DM7

Image courtesy of Kris Aquino Instagram

 

Ang kasalang tinaguriang bilang “Royal Wedding” ay ginanap bandang 2:28 ng hapon. 

dongyan

Image courtesy of Cata Tibayan Instagram

DM10

Image courtesy of Marian Rivera Facebook

 

 

Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang kasalan kasama ang walo pang ibang obispo at pitong pari na kapwa malapit sa mag-asawa.

DM5

Photo courtesy: GMA Network Instagram

 

Binasa ni Fr. Tito Caluag ang ebanghelyo habang si Novaliches Bishop Teodoro Bacani Jr. ang nagbigay ng homily.

DM2

Image courtesy of GMA Instagram

 

Bago pa man ang kasalan ngayong araw ay maraming kalsada na sa palibot ng simbahan ang isinara bilang paghahanda sa okasyon.

DM9

Photo courtesy of Marian Rivera Facebook

 

 

Inihatid si Marian sa altar ng ama nitong si Ginoong Francisco Javier Gracia na lumipad pa patungong Pilipinas mula sa Spain.

 

Bukod naman sa napakaraming imbitadong panauhin ay naglaan din sina Marian at Dingdong ng lugar para sa kanilang mga fans na sasaksi sa kanilang kasal.

 

Sa labas ng simbahan ay itinayo ang big screen upang makita ng mga tao ang nangyayari sa loob ng simbahan.

DM6

Image courtesy of Cata Tibayan Instagram

 

Dumating si Dingdong sa katedral ng Cubao sakay ng kanyang itim na Ducati motorcycle habang inihatid naman si Marian ng isang 1976 Mercedes- Benz na ipinagawa pa muli ni Dingdong para magamit sa okasyon ngayong araw. 

 

Magkahalong emosyon naman ang bumalot sa dalawa lalo na ng mag-umpisang maglakad patungo sa altar ang aktres. 

 

Naging emosyonal din si Dingdong habang papalapit sa kanya ang bride na si Marian.

 

Matapos ang kasal ay agad na dumiretso ang mga bisita at ang bagong kasal sa Mall of Asia Arena sa Pasay City para sa idinaos na reception.-DCR

Advertisements