PNoy pinangunahan ang Rizal Day celebration sa Luneta

 

noy

Pres. Benigno Aquino faces the crowd after the wreath laying ceremony. Image from: PNoy Facebook

 

Pinangunahan ngayong araw ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdiriwang sa ika-118 anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal sa Luneta.

Dumalo ang Pangulo at pinangunahan ang pagtataas ng bandila kasama sina Vice Pres. Jejomar Binay, Manila Mayor Joseph Estrada.

May tema ang pagdiriwang ngayong taon na Rizal 2014: Dunong at Pusong Pilipino.

Bukod sa kanila ay nakasama din ni PNoy sa okasyon ang iba pang opisyal ng gobyerno tulad nina Department of National Defense Secretary Voltaire Gazmin at Armed Force of the Philippine Chief of Staff Gregorio Pio Catapang at Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino.

Matapos ang flag raising ay nag-alay ang Pangulo ng bulaklak sa bantayog ng pambansang bayani kasama si  National Historical Commission of the Philippines Chairperson Maria Serena Diokno.

Sa kanyang mensahe sa sambayanan ngayong Rizal Day nanawagan ito sa lahat na patuloy na gawing inspirasyon ang mga nagawa ni Rizal kasabay ng pagkilos ng bawat isa para sa hinaharap.

“The battles we confront may be different from our forebears’, yet the call to action and service they once heard remains resonant and clear. Rizal served as our precedent for prodigious acts: He took upon himself to alleviate the despair of others and cast his stake for a tomorrow of peace and liberty. As today’s stewards, we are enjoined to do the same: Walk the path of accountability and commit ourselves to the task of nation-building. We shall compose the next chapters of our history and pass it on to coming Filipinos. United, let us strive to leave them a legacy of an empowered and proud nation,” pahayag pa ng Pangulo.-DCR

Advertisements