Biktima ng paputok umabot na sa 176

injury

Firecracker related injury victim Image from: hornetbatallioncommander2013.blogspot.com

 

Kasabay ng nalalapit na pagpapalit ng taon ay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng paputok.

Sa pinakahuling update na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw Disyembre 31 ay umabot na sa 176 ang bilang ng mga napuputukan sa buong bansa.

Sa naturang bilang ay nasa 122 naman ang bilang ng naputukan dahil sa piccolo.

Sa kabila naman ng patuloy na pagtaas ng mga napuputukan, sinabi ng DOH na mababa pa rin ito ng 125 kaso o 42 porsyento kumpara sa bilang ng mga naputukan noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Nangunguna naman ang Metro Manila sa lugar na may pinakamaraming insidente ng mga napuputukan na umabot na sa 81 kaso.

Nangunguna pa rin ang lungsod ng Maynila sa dami ng naputukan na mayroon ng 31 kaso na sinundan ng Pasig City na may 13 kaso at Quezon City na nakapagtala ng 12 kaso.

Sa kabuuang bilang na 176 na kaso nasa 136 sa mga ito ang hindi kinailangang putulan ng anumang parte ng katawan habang anim ang kailangan sumailalim sa amputation samantalang 33 kaso naman ay tinamaan ng paputok sa mata.

Sa kabila naman ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga biktima ay patuloy sa panawagan ang DOH na iwasan na ang pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.-DCR

Advertisements