Ruta ng prusisyon ng Itim na Nazareno inilabas na

MMDA

Image courtesy of MMDA

 

Tuloy-tuloy na ang mga paghahanda ng mga awtoridad para sa nalalapit na Traslacion ng Itim na Nazareno sa darating na Biyernes Enero 9.

Kasunod nito ay inilabas na rin ang magiging ruta ng prusisyon ng imahen ng Mahal na Poon.

Base sa rutang inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang prusisyon sa umaga ng Enero 9 sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Mula sa doon ay dadaan ang prusisyon sa Katigbak Drive at P. Burgos, at kakaliwa ng Taft Avenue.

Pagkatapos ay sunod na tatahakin ng prusisyon ang Jones Bridge, kanan ng Escolta, kanan sa Palanca, at tatagos hanggang sa ilalim ng Quezon Bridge.

Matapos nito ay kakaliwa ng Quezon Blvd. ang prusisyon, kanan sa Arlegui, kanan sa Fraternal, kanan sa Vergara, papasok sa Duque de Alba, kaliwa sa Castillejos, kaliwa sa Farnecio, kanan ulit sa Arlegui, kaliwa sa Nepomuceno (counter flow), kaliwa sa Aguila, kanan sa Carcer, kanan sa Hidalgo dadaan sa Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo daan sa Puyat, kaliwa sa Guzman, kanan sa Hidalgo, kaliwa sa Bautista (Barbosa), kanan sa Globo de Oro pasok ulit pabalik sa ilalim ng Quezon Bridge, kanan sa Palanca, kanan sa Villalobos tagos ng Plaza Miranda hanggang sa makarating at makapasok muli sa Basilika Minore ng Quiapo.

Bago naman ang prusisyon sa Biyernes ay magkakaroon muna ng prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno sa Miyerkules Enero 7 sa ganap na 3:00 ng hapon.

Mag-uumpisa naman ang Pahalik sa Quirino Grandstand sa Huwebes Enero 8 sa ganap na 1:00 ng hapon.-DCR

Advertisements