Abante reporter patay sa pamamaril

stop

Image from: www.chrispforr.net

 

Isa na namang kagawad ng midya ang walang habas na pinagbabaril at napatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Sa ulat ng DZMM Teleradyo nakilala ang biktima na si Nerlie Ledesma, 47-anyos at reporter ng pahayagang Abante.

Pinagbabaril si Ledesma sa bahagi ng Brgy. Tuyo, Balanga City, Bataan ngayong umaga.

Nabatid na nag-aabang ng sasakyan ang biktima ng pagbabarilin ng riding in tandem.

Apat na tama ng bala ang agad na kumitil sa buhay ng biktima. 

Bago ang pagpaslang sa mamamahayag ay dati ng nagkaroon ng banta sa buhay nito.

Noong September 2011 ay pinaulanan ng bala mula sa M-16 rifle ang bahay ni Ledesma sa Tagnai Village sa nasabi ding bayan at lungsod.-DCR

Advertisements