Pag-atake sa isang pahayagan sa France kinundena ng Pilipinas

2

 

Mariing kinundena ng gobyerno ang pag-atake sa isang pahayagan sa Paris, France na ikinamatay ng 12 katao kabilang na ang hindi bababa sa walong mamamahayag.

Bago ito ay sinugod ng dalawang terrorista ang tanggapan ng Charlie Hebdo, isang pahayagang Pranses at walang habas na nagpaputok na ikinamatay at ikinasugat ng mga empleyado nito.

Bago tumakas ay nakipagpalitan din ng putok ang dalawang salarin na ikinamatay rin ng dalawang miyembro ng French police.

Kabilang sa mga napatay ay ang editor-in-chief ng pahayagan na si Stephane Charbonnier na mas kilala bilang Charb.

1

Courtesy of Buzzfeed

 

Namatay din sa pag-atake ang contributor ng Charlie Hebdo na si  Bernard Maris.

Pinatay din ng mga terorista ang mga kilalang “cartoonist” sa Pransya na sina Jean Cabut na mas kilala bilang si Cabu, Georges Wolinski,  at Bernard Verlhac na kilala bilang si Tignous.

Sa pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi nito na nakikiisa ang pamahalaang Pilipinas sa Pransya at sa buong mundo sa pagkundena sa pag-atake sa kalayaan sa pagpapahayag.

Sinabi pa ng DFA na nakikiramay ang bansa sa pamilya ng mga biktima kasabay ng paghahanap ng katarungan para sa mga nasaktan at pinaslang.

3

Image courtesy of Jean Jullien Twitter

 

Maging ang mga mamamahayag sa bansa ay nagpahayag din ng kanilang tahasang pagkundena sa pangyayari.

Sa pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) nanindigan ito na ang anumang uri ng pagpapahayag gaano man ito lumalabag sa pamantayan ng etika ay hindi nararapat suklian ng pagpatay.

We acknowledge that there have been and will continue to be debates about the role journalistic responsibility or lack of it factors into such attacks on the freedom of the press. But while we acknowledge the indispensability of ethics in the profession, we also maintain that no mode of expression, however offensive or unethical it may be, deserves a death sentence,” pahayag ng NUJP.

Sa gitna ng pagluluksa sinabi pa ng grupo na ang tanging magagawa ng lahat ay ang patuloy na malayang ipahayag ang kanilang mga damdamin sa kabila ng takot.-DCR

Advertisements