Net satisfaction rating ni VP Binay bumagsak sa pinakamababa

Binay

Vice President Jejomar Binay Image from Jejomar Binay Facebook

 

 

Bumagsak sa huling bahagi ng 2014 ang net satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay.

Base sa pinakahuling survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS) noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1 , sumadsad sa +44 mula sa dating +52 ang net satisfaction ng bise presidente.

Ito na sa ngayon ang pinakamababang antas na ibinaba ng rating ni Binay sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos laban dito.

Katumbas ng +44 satifaction rating ay ang 65 porsyento ng mga Pilipino na kuntento sa liderato ni Binay habang nasa 20 porsyento ang hindi kuntento.

Sa isang pahayag naman ay sinabi ni vice presidential spokesperson for political affairs Atty. Rico Paolo Quicho na nilalaman lamang ng naturang survey ang patuloy na pagtitiwala ng sambayanang Pilipino sa bise presidente sa kabila ng mga batikos at kasinungalinangan ipinupukol laban dito.

Aabot sa 1,000 katao ang kasali sa naturang survey ng SWS.

Kahit naman sumadsad ang rating ay si Binay pa rin ang may pinakamataas na net satisfaction rating kumpara kina Senate President Franklin Drilon, House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi rin ni Quicho na umaasa si Binay na maliliwanagan din ang taumbayan hinggil sa mga paninirang ibinabato laban dito.-DCR

Advertisements