SILIPIN: Popemobile na gagamitin ni Pope Francis sa Pilipinas

popemobile

Jeepney inspired popemobile Image from: Vatican Communication

 

Handa na ang mga gagamiting popemobile ni Pope Francis sa pagbisita nito sa bansa simula sa darating na Huwebes Enero 15 hanggang 19.

Kasunod ng kahilingan ng Santo Papa na gawing simple ang gagamitin niyang sasakyan ay isang naiibang disensyo ng popemobile ang ipagagamit kay Pope Francis na tiyak na magugustuhan nito.

Tatak Pilipino at tiyak na magugustuhan ng Santo Papa ang jeepney inspired popemobile na idinisenyo at ginawa ng Almazora Motors Corporations mula sa Cavite.

Tulad ng kahilingan ng Santo Papa ayaw niyang naka bullet proof ito. Bukod dito ay nais din ni Pope Francis na malayang makalapit sa mga tao mula sa popemobile kung kaya hindi ito nilagyan ng salamin at bukas ang magkabilang bahagi nito pati na ang likuran at harapan.

Nilagyan lamang ng bubong ang sasakyan upang maging proteksyon ng Santo Papa sa anumang bagay na pwedeng malaglag mula sa itaas, init ng araw o sa pag-ulan.

Nakalagay naman sa magkabilang gilid ng popemobile ang krus na nilikha ng bantog na iskultor na si Ramon Orlina at ang papal insignia ni Pope Francis.

Sa kanyang pagdalaw naman sa Palo, Leyte sa darating na Sabado Enero 17 ay hiwalay na pope mobile ang gagamitin ni Pope Francis.

pope1

Image courtesy of Top Gear Philippines

 

Simpleng sasakyan lamang ito na ginawa ng Gencars Inc. kung saan gumamit sila ng isang Isuzu D-Max.

Customized ang sasakyan at tinanggal ang upuan sa likod ng driver seat para mas mapalaki ang espasyo para sa Santo Papa.

pope2

Image courtesy of Top Gear Philippines

 

 

pope 3

Image courtesy of Top Gear Philippines

 

Tulad ng jeepney inspired popemobile ay bukas din ang lahat ng bahagi ng D-Max popemobile at nilagyan lang ng glass roof para sa proteksyon ni Pope Francis.-DCR

 

 

Advertisements