Pope Francis dumating na sa Sri Lanka

18

Pope Francis (center) together with newly elected Sri Lankan President Maithripala Sirisena (right). Image courtesy of: Vatican Radio – English Section

 

Nagsimula na ang tatlong araw na pagbisita ni Pope Francis sa Sri Lanka.

Sakay ng Alitalia chartered flight ay lumapag sa Bandaranaike International Airport bandang 8:45 ng umaga, oras sa naturang bansa ang Santo Papa kasama ang iba pang miyembro ng Simbahang Katoliko.

Sinalubong si Pope Francis nina Sri Lankan President Maithripala Sirisena at Colombo Archbishop Cardinal Malcolm Ranjith.

Ginawaran agad ito ng state honors at inalayan ng isang awitin ng mga batang bumuo sa isang choir.

Sa kanyang mensahe sa Santo Papa ay hiniling ng bagong halal na si Sirisena na basbasan siya nito kasabay ng pag-upo niya bilang pangulo ng naturang bansa.

Sa kanyang talumpati ay nagpasalamat naman si Pope Francis sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga Sri Lanka.

Binigyang diin din ng Santo Papa pagtuklas sa katotohan hinggil sa mga naganap sa nakaraan bilang parte ng  katarungan, paghilom at pagkakaisa.

Sinabi ito ni Pope Francis dahil ang Sri Lanka ay dumaan sa mahabang kasaysayan ng civil war.

20

Pope Francis during his motorcade in Colombo Image courtesy of Vatican Radio – English Section

 

 

“The process of healing also needs to include the pursuit of truth, not for the sake of opening old wounds, but rather as a necessary means of promoting justice, healing and unity,” pahayag  ni Pope Francis.

Iginiit din ng Santo Papa ang pagkakaroon ng kalayaan para sa pagpapahayag ng sariling saloobin. Nanawagan din ito sa iba’t ibang sekta ng relihiyon doon ukol sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagtanggap sa paniniwala ng bawat isa.

“I am convinced that the followers of the various religious traditions have an essential role to play in the delicate process of reconciliation and rebuilding which is taking place in this country.  For that process to succeed, all members of society must work together; all must have a voice.  All must be free to express their concerns, their needs, their aspirations and their fears.  Most importantly, they must be prepared to accept one another, to respect legitimate diversities, and learn to live as one family.  Whenever people listen to one another humbly and openly, their shared values and aspirations become all the more apparent,” ayon pa kay Pope Francis.

Matapos ang pagsalubong sa paliparan ay agad na nagsagawa ng motorcade si Pope Francis upang makita ang mga sabik na Sri Lankan na naghihintay sa gilid ng mga kalsada doon.

Sa kanyang pastoral visit sa nasabing bansa ay nakatakdang i-kanonisa ng Santo Papa si si Blessed Joseph Vaz bilang kauna-unahang santo ng Sri Lanka.

Dahil naman sa naantalang matapos ang mahabang oras ng motorcade ay hindi na itinuloy ni Pope Francis ang nakatakda sana nitong pulong kasama ng mga Sri Lankan bishop at sa halip ay nagdaos na ng misa sa nunciature.

Nakatakda ring magtungo si Pope Francis sa Bandaranaike Memorial International Conference Hall sa Colombo para daluhan ay isang interreligious meeting.

Sa Huwebes ay nakatakdang umalis doon ang Santo Papa para sunod na bisitahin ang Pilipinas.-DCR

Advertisements