Pope Francis nakadaupang palad ng 14 na Pinoy journo sa papal flight patungong Sri Lanka

Papal

Kita sa larawan ang pag-abot ni Lynda Jumilla TV reporter mula sa ABSCBN ng isang mga greeting cards na gawa ng kanyang mga anak para kay Pope Francis. Si Jumilla ay kabilang sa 14 na Pinoy journo na kasama ni Pope Francis sa eroplano para sa paglalakbay nito mula Roma patungong Sri Lanka at Pilipinas. Image courtesy of RTVM

 

 

Nakadaupang palad ni Pope Francis ang mga mamamahayag na kasama nito sa papal flight patungong Colombo, Sri Lanka.

Kasama sa mga ito ang 14 na Pilipinong mamamahayag na kasama ng Vatican accredited media persons na kasabay ng Santo Papa sa paglalakbay nito patungong Asya.

Kabilang sa mga mapapalad na kasama sa flight ng Santo Papa ay sina Lynda Jumilla (ABS-CBN), Kara David (GMA 7), Pia Hontiveros (9TV), Lito Zulueta (Philippine Daily Inquirer), Joe Torres (UCAN News), Jhemmylrut Teng (TV5 Network), Cicero Roy Lagarde (CBCP News), Nino Manalo (9TV), Ariel Fulgado (ABS-CBN News), Melchor Quintos (GMA Network), Marco Paolo Bombase (Philippines Pool TV), Wilfred Delgado Herrera (Philippines Pool TV), Fr. Gregory Ramon Gaston (Radyo Veritas), at  Arvin Rillera (TV5 Network).

Isa isang nilapitan ng Santo Papa ang mga mamamahayag at binati niya ang mga ito.

Sa kasalukuyan ay nakarating na sa Sri Lanka si Pope Francis para sa tatlong araw na pastoral visit doon at sunod na darating dito sa Pilipinas sa Huwebes ng hapon.-DCR

Advertisements