Darren Espanto kakanta para sa Santo Papa

 

 

 

darren

The Voice Kids finalist Darren Espanto Image from Darren Espanto Facebook

 

 

Nasasabik na sa kanyang gagawing performance para kay Pope Francis ang The Voice Kids finalist na si Darren Espanto.

Si Darren ay kabilang sa mga artistang napili para magtanghal sa gaganaping papal visit ng Santo Papa dito sa Pilipinas.

Aawitin ni Darren ang pamosong awitin na “Tell the World of His Love” na siyang theme song noong 1995 World Youth Day.

Gagawin ito ni Darren kasabay ng pagbisita ni Pope Francis sa University of Santo Tomas sa Linggo ng umaga.

Ayon kay Darren, natutuwa siya sa pagkakapili para magtanghal para sa Santo Papa lalo pa at hindi lahat ng tao ay nabibigyan yan ganitong pagkakataon.

Bukod naman kay Darren ay magtatanghal din sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa si The Voice Kids grand winner Lyca Gairanod.

Tulad ni Darren ay aawitin din ni Lyca ang “Tell the World of His Love” sa pakikipagkita ng Santo Papa sa mga pamilya sa Mall of Asia Arena sa Biyernes.-DCR

Advertisements