Pope Francis dumating na sa Pilipinas

Pope3

Philippine President Benigno Aquino III welcomes Pope Francis as he arrives in Manila for a 5 day apostolic journey. Image courtesy of RTVM

 

 

 

Dumating na sa Pilipinas si Pope Francis! 

Eksaktong 5:33 ng hapon ng lumapag sa runway 06 ang SriLankan Airlines flight ALK 4111 lulan ang Santo Papa.

Sinalubong na may humigit kumulang 1,200 nagsasayawang mga kabataan ang Santo Papa. 

Gaya ng nakalagay sa protocol unang umakyat sa papal plane si Papal Nuncio Guiseppe Pinto para batiin at sunduin si Pope Francis kasama si Chief of Presidential Protocol Ambassador Celia Anna Feria.

Sunod nito ay sinalubong siya ni Pangulong Benigno Aquino III at 12 miyembro ng gabinete nito.

Matapos nito ay inabutan ng bulaklak ang Santo Papa ng 10 taong gulang na si Mark Angelo Balbero at  siyam na taong gulang na si Lanie Ortilla.

pope4

Pope Francis was greeted by orphans Mark Angelo Balbero and Lanie Ortilla at the tarmac of Villamor Air Base as he arrives in Manila Image from RTVM

 

Sinalubong rin ni Vice President Jejomar Binayang Santo Papa.

Bukod sa matataas na opisyal ng gobyerno ay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president Archbiship Socrates Villegas at iba pang mga obispo ang Santo Papa pagbaba nito sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Pope5

Pope Francis was greeted by fellow Jesuit and Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Image from RTVM

 

Matapos ang pagkamay sa iba’t ibang opisyal ng gobyerno at lider ng Simbahang Katoliko ay dumiretso sa Kalayaan Hall ng Villamor Air Base.

pope6

Pope Francis during his motorcade in Manila Image from RTVM Twitter

 

Matapos mag-usap at sandaling makapagpahinga ay umusad na ang motorcade ni Pope Francis.

Pope8

Pope Francis arrives in Apostolic Nunciature in Manila Image from RTVM Twitter

Pope7

Image from RTVM

Naging maayos naman ang motorcade at eksakto 6:55 ng gabi ay pumasok ang popemobile ng Santo Papa sa Apostolic Nunciature sa Maynila kung saan siya maninirahan habang naririto sa bansa.-DCR

 

 

Advertisements