Eroplanong sakay ang matataas na opisyal ng Malacañang sumadsad sa Tacloban Airport

plane1

Image from Marc Jayson Cayabyab Twitter

 

Naaksidente habang pa-take off ng Tacloban Airport ang isang bombardier plane na sakay ang halos 11 matataas na opisyal ng gobyerno.

Ang eroplano ay isang bombardier plane na pinatatakbo ng Global Express.  

Sinasabing lulan ng eroplano sina Presidential Communication and Operation Secretary Sonny Coloma, Executive Sec. Paquito Ochoa at dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Emmanuel Bautista.

Ligtas namang naialis agad ang lahat ng pasahero ng eroplano at sa ngayon at patuloy na binobombahan ng tubig ng mga bumbero.

Ang eroplano ay pabalik sana ng Maynila at halos kasunod lamang ng eroplano na kinalululanan ng Santo Papa.

Ayon sa ilang ulat, tinangkang mag take ng eroplano bago makarinig ng pagputok saka nawalan ng kontrol anf eroplano bago sumadsad sa madamong bahagi ng paliparan.

Sa ngayon ay nananatiling masama ang lagay ng panahon doon.-DCR

Advertisements