Pope Francis sa mga biktima ng Yolanda: “Naririto ako upang makasama kayo”

Pope2.jpg-large

Pope Francis during his homily for Yolanda (Haiyan) victims in Tacloban central Philippines. Image from: RTVM

 

“Naririto ako upang makasama kayo!” 

Ito ang simple ngunit makapangyarihang mensahe ni Pope Francis sa mga dumalo ng misa sa Tacloban City Airport at sa lahat ng mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Sa kanyang mensahe sa mga biktima ng bagyo ay ipinahatid ng Santo Papa ang pagdamay niya sa kalagayan ng mga ito.

Ayon pa kay Pope Francis, mula sa Roma ay nakita niya ang pinsalang dulot ng bagyong Yolanda at sa sandaling nakita niya ito ay naramdaman niyang kailangan siya ng mga biktima dahil dito ay nagdesisyon siya na magtungo sa mga sinalanta ng kalamidad.

Pope3

Pilgrims and Yolanda (Haiyan) survivors in tears during Pope Francis’ homily. Image from Papal Visit Philippines 2015

 

Kasabay nito muling ipinaalala ng Santo Papa sa mga biktima ng kalamidad na lagi nilang kasama si Hesus sa kanilang mga paghihirap.

Aniya, maaaring sabihin sa kanya ng mga biktima na nawalan sila ng ari-arian, nawalan sila ng mahal sa buhay at nirerespeto niya ito.

Sinabi rin ng Santo Papa na laging kasama ng lahat ang Panginoon lalo na sa mga panahon ng pagsubok sa ating buhay.

“We have a Lord of crying with us, walking with us in the most difficult moments of life,”  pahayag pa ng Santo Papa.

Ipinaabot rin ng Santo Papa sa mga biktima ng kalamidad na mula katahimikan ng kanyang puso ay kasama siya ng mga ito.

“All I can do is keep silence. I walk with you all with my silent heart,”  pahayag pa nito.

Naging emosyonal naman ang marami sa milyung tao na dumalo sa misa sa Tacloban habang nagsasagawa ng kanyang homiliya si Pope Francis.

Matapos ang misa ay nagtungo ang Santo Papa sa bayan ng Palo upang makipagkita at makipagsalo sa mga biktima ng bagyong Yolanda at iba pang kalamidad.

Sa huli humingi ng paumanhin ang Santo Papa dahil ito lamang ang kanyang kayang masabi sa mga biktima.

Kasabay nito ay hinimok ng Santo Papa ang mga biktima na patuloy na maging matatag sa kanilang pananampalataya at ituloy ang pagbangon.

“This is what comes from my heart and forgive me if I have no other words to say this. Please know Jesus never lets you down. Please know that the love and tenderness of Mother Mary never lets you down. And holding on to her mantle and the power of Jesus that comes from the cross. Let us move forward,” pahayag pa ni Pope Francis.-DCR

 

 

Advertisements