Pinakamalaking pagtitipon kasama ang Santo Papa itinala ng mga Pilipino sa Luneta

1

Pope Francis rides a jeepney type popemobile during his concluding mass in Luneta. Filipino devotees brought images of child Jesus as the occasion falls on third Sunday of january the Feast of Sto. Niño. Image from: PNoy Facebook

 

Umabot sa humigit kumulang anim na milyong mga tao ang dumalo sa concluding mass na pinangunahan ni Pope Francis kahapon sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Dahil dito ay nalagpasan na ng aktibidad kahapon ang bilang ng mga dumalo sa 1995 World Youth Day na umabot sa limang milyon katao.

Ang pagtaya ay ginawa ng Metro Manila Development Authority kahapon.

3

Image from: PNoy Facebook

 

Sa kanilang official twitter sinabi ng MMDA na anim na milyon ang kanilang crowd estimate na bilang ng mga dumalo sa misa sa Luneta at mga nag-abang sa mga rutang daraanan ng Santo Papa.

Posibleng ang naturang misa ang pinakamalaki na sa kasaysayan ng mga misang ginawa ng isang Santo Papa.

“We have seen so many people that we believe it is possible that this is the largest event of the history of the Pope,” pahayag pa ni Vatican Spokesman Fr. Federico Lombardi.

2

Image from: PNoy Facebook

 

Sa kanyang mensahe sa Luneta binigyang diin ni Pope Francis ang pagiging magkakapatid ng lahat. Aniya, pinatunayan ito ng mga Pilipino ng magtulungan at ipakita ang pagmamalasakit sa mga naging biktima ng bagyo. 

“Saint Paul has told us that in Christ we have become God’s adopted children, brothers and sisters in Christ. This is who we are. This is our identity. We saw a beautiful expression of this when Filipinos rallied around our brothers and sisters affected by the typhoon,” mensahe pa ng Santo Papa.

4

Pope Francis during his Concluding Mass in Luneta Grandstand with Filipino clergy. Image from PNoy Facebook

 

Kasabay nito sinabi rin ni Pope Francis na sa pagtatapos ng kanyang apostolic visit dito sa bansa ay inilalapit niya kay Kristo ang mga Pilipino na patuloy niyang tulungan at protektahan ang mga ito para sa paghubog ng isang mundo na may katarungan, integridad at kapayapaan.

Sinabi rin ng Santo Papa na hangad niya ang patuloy na pagiging misyonero ng Ebanghelyo ng bawat Pilipino hindi lamang dito sa Asya kundi sa buong mundo.

Bago matapos ang homiliya muling hiniling ni Pope Francis na huwag siyang kalimutang ipanalangin ng mga Pilipino.

5

Philippine President Benigno Aquino III and members of his family attends the Concluding Mass of Pope Francis in Luneta, Manila. Image from: PNoy Facebook

 

“May the Santo Niño continue to bless the Philippines and may he sustain the Christians of this great nation in their vocation to be witnesses and missionaries of the joy of the Gospel, in Asia and in the whole world. Please don’t forget to pray for me! God bless you!” pagtatapos ng Santo Papa.

Lunes ng umaga naman bumalik si Pope Francis sa Roma.

Hindi pa man tuluyang nakakaalis sa bansa ay marami na ang naghahangad na makabalik si Pope Francis sa bansa sa Enero 2016 para sa pagdaraos ng 51st Eucharistic Congress sa Cebu.-DCR

Advertisements