Pope Francis nakabalik na sa Roma

pope2

Pope Francis bids farewell before boarding the PAL flight PR 8010 (Shepherd One) from Manila on his way back to Rome. Image courtesy of PNoy Facebook

 

 

Maayos na nakabalik sa Roma si Pope Francis mula sa katatapos lamang nitong apostolic visit mula dito sa Pilipinas.

Bandang 12:40 ng madaling araw ng Martes (Enero 20) kanina oras sa Maynila o 5:40 ng hapon oras sa Roma (Enero 19) ng makalapag sa Ciampino Airport ang Philippine Airlines flight 8010 na umalis kahapon ng umaga sa Villamor Air Base.

Bukod sa Santo Papa ay kasama sa nasabing flight ang humigit kumulang 80 miyembro ng Vatican Accredited Media Person kung saan kasama ang 14 na Pilipinong mamamahayag.

Sa kanyang flight pabalik sa Roma ay nagpadala pa ng telegrama si Pope Francis kay Pangulong Benigno Aquino III.

Dito muling inulit ng Santo Papa ang kanyang taos pusong pasasalamat sa Pangulo at sa milyun-milyong Pilipino dahil sa mainit na pagtanggap dito sa kanya sa bansa.

“As I depart from the Philippines, I extend to you, the government and all the people of the nation my hearfelt gratitude for yor warm welcome and every kindness shown to me during my visit. I renew to your excellency and the country the assurance of my prayers for peace and prosperity,” pahayag pa ng Santo Papa.

Bukod sa Pilipinas ay nagpadala rin ng telegrama sa 10 iba pang bansa ang Santo Papa habang lumilipad ang Shepherd One sa airspace ng mga ito kabilang na ang China, Belarus, Austia, Slovenia at Poland.

Umaasa naman ang lahat na sana ay makadalaw muli si Pope Francis sa bansa at maging bahagi ng gaganaping 51st Eucharistic Congress sa Cebu.-DCR

Advertisements