Pilipinas pang-siyam sa may pinakamalalang trapik sa buong mundo

 

PHILIPPINES-ADB-ASIA-ENVIRONMENT-POWER

Image from ADMU

 

Kasama ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamalalang sitwasyon ng trapiko sa buong mundo.

Pang-siyam ang Pilipinas sa halos 88 mga bansa pagdating sa may pinakamalalang lagay ng traffic.

Ito ng lumabas sa 2015 Numbeo Traffic Index.

Base sa pag-aaral ay umaabot sa 45.50 minuto ang ginugugol ng kada commuter sa bawat byahe para lamang makarating sa 12 kilometrong layo ng kanyang destinasyon.

Ayon sa Numbeo ang kanilang mga datos ay ibinatay sa overall commuting time, commuting public’s dissatisfaction, traffic inefficiencies at carbon dioxide emissions ng bawat bansa at lungsod.

Pagdating naman sa mga lungsod, ang Maynila ay nasa ikalabindalawang pwesto sa buong mundo bilang isa sa mga lungsod na may malalang kondisyon ng trapiko.

Lumalabas na umaabot sa 53.82 minuto o halos isang oras ang ginugugol ng isang commuter sa Maynila para makarating sa 12 kilometrong layo ng kanyang destinasyon.

Kabilang sa mga bansa may pinakamalalang lagay ng trapiko ay ang Kenya, Egypt, Bangladesh, Bolivia, Nigeria, Jordan, Iran, South Africa, Pilipinas at Thailand.

Sa mga syudad naman sa buong mundo ay pinakamalala ang sitwasyon ng trapik sa Mumbai (India), Nairobi (Kenya), Pune (India,) Cairo (Egypt), Kolkata (India), Miami (USA), Tehran (Iran), Recife (Brazil), Pretoria (South Africa), Denver (USA) at Jakarta (Indonesia).-DCR

Advertisements