ABSCBN News team nakaranas ng harassment sa Mamasapano

mamasapano

 

Nakaranas ng harassment mula sa mga hindi nakilalang armadong grupo ang ABSCBN News team na kasalukuyang nasa Mamasapano, Maguindanao.

Sa ulat kanina sa dzMM Teleradyo ng reporter na si Edwin Sevidal, pinasok ng news team ang Brgy. Tukanalipao kung saan napatay ang may 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force dahil sa pag-aakalang may nagaganap pa ring retrieval operation sa lugar.

Habang binabagtas ng grupo ang daan sa nasabing barangay ay dito na nila napansin ang isang riding in tandem na bumubuntot sa kanila. 

Isa sa dalawang sakay ng motorsiklo ang armado habang nakasuot naman ng bonet ang isa pa.

Dahil dito ay nagpasya na ang news team na lumabas ng Tukanalipao subalit sumunod pa rin ang motorsiklo at bago lumabas ng barangay ay nakapag- overtake ito sa kanila.

Dito na kinwestyon ng riding in tandem ang mga mamamahayag kung ano ang ginagawa sa lugar, matapos magpakilala na mula sila sa ABSCBN ay pinayagan na silang makaalis ng mga armadong lalaki subalit patuloy itong sumunod sa kanilang habang papalabas ng Tukanalipao.

Habang papalabas ay isang Elf truck din ang tangkang haharang sana sa ABSCBN news team subalit nasensyahan ng mga armadong nakamotorsiklo na pwede na silang padaanin.

Ito ang unang pagkakataon na may mga mamamahayag na nakaranas ng harassment sa lugar matapos ang madugong engkwentro sa pagitan ng SAF at mga tropa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon sa MILF, isang misencounter ang naganap na bakbakan dahil hindi nakipag-ugnayan sa kanilang ang PNP bago nagsagawa ng operasyon sa kanilang teritoryo.-DCR

 

Advertisements