National Day of Mourning idineklara dahil sa pagkasawi ng 44 PNP-SAF commando

Day of mourning

Image courtesy of Official Gazette

 

Idineklara ng Malacañang ang Enero 30 (Biyernes) bilang National Day of Mourning bilang pagluluksa sa pagkasawi ng 44 na mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) matapos ang madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo. 

Kasunod ito ng naging pahayag kagabi ni Pangulong Benigno Aquino III.

Aniya, namatay bilang mga bayani ang 44 na SAF dahil inialay ng mga ito ang kanilang buhay kapalit ng kapayapaan.

“Bilang Pangulo, bilang Ama ng Bayan, napakalungkot pong isipin na kinailangang magbuwis ng buhay ng ating kapulisan sa misyong ito. At kung mayroon nga pong depinisyon ang bayani, sila na iyon: Silang mga humarap sa panganib upang pigilan ang banta sa ating kaligtasan; silang mga nasugatan; silang naghandog ng buhay sa ngalan ng kapayapaan. Bilang paggalang sa mga ng mga nasawi, magdedeklara tayo ng isang National Day of Mourning bilang sagisag ng pagdadalamhati at pakikiramay ng ating buong bansa,” pahayag pa ni PNoy.

Sa bisa ng Proclamation No. 953 series of 2015 ay idineklara ng Pangulo ang Pambansang Araw ng Pagluluksa para sa mga pumanaw na SAF.

PNP2

Image from PNP

 

Layon nito na ipakita ang pakikiisa ng gobyerno at upang mabigyan ng pagkakataon ang sambayanan na ipakita ang dalamhati matapos ang malagim na insidente.

Kasabay nito ay inaatasan rin ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong kapuluan na ilagay sa half mast ang mga watawat sa kanilang mga lugar bilang pagpapakita ng simpatya at dalamhati.

Sa ngayon ay nakalagak na sa multipurpose hall ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang labi ng 44 na miyembro ng SAF.

Pangungunahan naman ng Pangulo ang isang necrological service bukas ng umaga sa naturang lugar upang pagpugayan at ipagluksa ang pagpanaw ng mga kawal ng bayan.

Kabilang sa mga nasawi sa madugong engkwentro sa Brgy. Tukanalipao sa bayan ng Mamasapano ay ang mga sumusunod.

PNP1

Image from PNP

 

1. Sr. Insp. Ryan Ballesteros Pabalinas
2. Sr. Insp. John Garry Alcantara Erana
3. Sr. Insp. Max Jim Ramirez Tria
4. Sr. Insp. Cyrus Paleyan Anniban
5. Sr. Insp. Gednat G. Tabdi
6. Insp. Joey Sacristan Gamutan
7. Insp. Rennie Tayrus
8. SPO1 Lover L. Inocencio
9. PO3 Rodrigo F. Acob Jr.
10. PO3 Virgel S. Villanueva
 11. PO3 Andres Viernes Duque Jr.
12. PO3 Vitoriano Nacion Acain
13. PO3 Noel Onangey Golocan
14. PO3 Junrel Narvas Kibete
15. PO3 Jed-In Abubakar Asjali
16. PO3 Robert Dommolog Aliaga
17. PO3 John Lloyd Rebammonte Sumbilla
18. PO2 Amman Misuari Esmulla
19. PO2 Peterson I. Carap
20. PO2 Roger C. Cordero
 21. PO2 Nicky DC Nacino Jr.
22. PO2 Glenn Berecio Badua
23. PO2 Chum Goc-Ong Agabon
24. PO2 Richelle Salangan Baluga
25. PO2 Noel Nebrida Balaca
26. PO2 Joel Bimidang Dulnuan
27. PO2 Godofredo Basak Cabanlet
28. PO2 Franklin Cadap Danao
29. PO2 Walner Faustino Danao
30. PO2 Jerry Dailay Kayob
 31. PO2 Noble Sungay Kiangan
32. PO2 Ephraim G. Mejia
33. PO2 Omar Agacer Nacionales
34. PO2 Rodel Eva Ramacula
35. PO2 Romeo Valles Senin II
36. PO1 Russel Bawaan Bilog
37. PO1 Angel C. Kodiamat
38. PO1 Windell Llano Candano
39. PO1 Loreto Guyab Capinding
40. PO1 Gringo Charag Cayang-o
 41. PO1 Romeo Cumanoy Cempron
42. PO1 Mark Lory Orloque Clemencio
43. PO1 Joseph Gumatay Sagonoy
44. PO1 Oliebeth Ligutan Viernes

 

Advertisements