PNoy hindi dumalo: Labi ng mga nasawing PNP-SAF mula Mamasapano dumating na sa Maynila

SAF1

The remains of fallen SAF forces during the arrival honor at the Villamor Air Base south of Manila Image from: Official Gazette

 

Hindi dumalo si Pangulong Benigno Aquino III sa arrival honor na iginawad sa Villamor Air Base sa Pasay City para sa labi ng mga nasawing miyembro ng PNP-Special Action Force matapos ang madugong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.

Habang ibinababa isa isa sa tarmac ng paliparan ang labi ng humigit kumulang 40 miyembro ng SAF ay nagbibigay naman ng kanyang talumpati si PNoy sa pagbubukas ng bagong planta ng Mitsubishi Motors Corporation sa Laguna.

Agad namang dumepensa ang Malacañang sa pangyayari at sinabing hindi intensyon ng Pangulo na hindi magtungo sa pagsalubong sa mga labi ng mga nasawing pulis.

“The President did not skip the arrival honors today, it presupposes he was originally scheduled to attend it, which was not the case,” pahayag pa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

saf 2

Image from DILG Twitter

 

Ayon pa kay Valte, bukas ay magtutungo si PNoy sa headquarters ng SAF sa Camp Bagong Diwa sa Taguig upang pangunahan ang isang necrological service para sa mga napaslang na pulis.

Kabilang naman sa mga dumalo sa Villamor Air Base para sa paggawad ng arrival honor ay sina Vice Pres. Jejomar Binay, Sen. Bongbong Marcos, Sen. Nancy Binay, at Rep. Imelda Marcos.

Bukod sa kanila ay naroon din sina Interior and Local Government Sec. Mar Roxas, Justice Sec. Leila de Lima, Transportation Sec. Jun Abaya, PNP OIC Chief Dir. Gen. Leonardo Espina, at AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang kasama ang iba pang matataas na pinuno ng AFP at PNP.

Idineklara naman ni PNoy ang araw ng Biyernes (Enero 30) bilang National Day of Mourning para sa pagkasawi ng nasabing mga miyembro ng SAF. -DCR

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements