Walang Pasok: February 19 idineklarang special non-working holiday dahil sa Chinese New Year

lion dance

Lion dancers and their props after their performance in Manila Chinatown. Photo by Demetrio Ragua

 

Bilang paggalang at pakikiisa sa mga Filipino – Chinese dito sa Pilipinas ay idineklara ng Malacañang ang Pebrero 19 (Huwebes) bilang special non-working holiday dahil sa pagdiriwang ng Chinese New year.

Ang kautusang ito ay nakapaloob sa inilabas na Proclamation No. 831 series of 2014 na pirmado ni Pangulong Benigno Aquino III.

Base sa kautusan ay kinilala ng pamahalaan ang pagdiriwang bilang isang okasyon na nagpapakita ng pakikipagkaisa ng bansa sa mga Tsinoy na naninirahan sa Pilipinas. 

dragon 2

Image by Demetrio Ragua

“Whereas, on 19 February 2015, the Chinese nationals all over the world will celebrate Spring Festival, properly known as the Chinese New Year, which is one of the most revered and festive events celebrated not only in China but also in the Philippines by both Chinese-Filipinos and ordinary Filipinos as well; and the joint celebration is a manifestation of our solidarity with our Chinese-Filipino brethren who have been part of our lives in many respects as a country and as a people; 19 February 2015 may be declared as a special (non-working) day without detriment to public interest,” base pa sa kautusan. 

Inaasahan na muling dadagsa sa Manila Chinatown sa Binondo, Maynila ang napakaraming tao sa naturang araw upang makiisa sa nasabing pagdiriwang.

Bagama’t nagmula ang tradisyon sa mga Tsino, marami na ring Pilipino sa kasalukuyan ang nakikiisa at nagdiriwang ng Chinese New Year sa bansa. 

dragon

Image by Demetrio Ragua

 

Ang Manila Chinatown ang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo.

Ito ay itinatag noong pang 1594 ni Gobernador Heneral Luis Perez Dasmariñas bilang permanenteng sentrong komunidad ng mga Tsino dito sa Pilipinas. 

Mula noon hanggang ngayon ang Binondo ay naging bahagi na ng kalakalan at komersyo sa Maynila.-DCR

Advertisements